Ewan ko ba kung bakit ako naadik sa pagpapak ng Lady's Choice Sandwich Spread, simula noong pasko hanggang sa maubos ko ngayon. Anywhatever, meron pa akong isang kinahihiligan noong bata ako at hanggang ngayon mahilig pa rin ako basta pag meron, pag wala eh o.k. lang
Kailangan pa ba ng Introduction? ok..

details? alright...
| |
Sa totoo lang noong bata ako gusto kong tumangkad paglaki ko at sa kabutihang palad hindi ako lumaki, bagkus tumanda, tsh! Hindi yata effective ang Star Margarine na pampatangkad pero Hey, Hey, Hey tumalino naman ako HA! Anong say mo?! Hindi bale ng average ang height basta matalino naman, kzhhahaha! Well sabi nga ng Star Margarine sa commercial eh fortified with Vitamin A. Dati ginagawa kong alternative sa cooking oil ang Star Margarine at ang masasabi ko lang ay mas healthy at mas malasa sya kay sa ordinary cooking oil. And don't you know na 75 years na ang Star Margarine? it means since 1933 pa pala ito, astig. Marahil, balang araw pag naging ama na ako ng mga lahi (papalitan ko na si Abraham, tshahahaha) nandiyan pa rin si Star Margarine.
note para sayo: kung mapapansin nyo merong mga "tsh!", "kzh!" well, mga bagong salita yan, try nyong sabihin.
note para sa akin: kailangan ko na sigurong magbalik loob kay Star Margarine. Star Margarine, i need your magical powers ngayong semester.
catch phrase of the day:
"Sweet yet Tangy, Creamy yet Chunky" - Lady's Choice Sandwich Spread ~ Rawr!!!!!XD
video of the day: FREE MEAL AT MCDONALD'S
since pinaguusapan ang commercial ng McDonald's ay naisipan kong i-share itong video ni Remi Gaillard. Naastigan ako sa mga video ni Remi Gaillard. Well enjoy the drive thru free meal!
thanks:
Magnolia para sa info about Star Margarine at http://www.callueng.com/ para sa pic ng Star Margarine (sana wag mong tanggalin or ilipat yung picture)
P.S.:
hmm.... what now?....What? buhay pa ang New Kids On The Block?
No comments:
Post a Comment