
scientific name: Clerodendrum villosum Bl.
Maraming pakinabang ang mga bulaklak na Santan sa mga bata noon, sinasama nila ang bulaklak na Santan sa kanilang aktibidades lalo na ng mga kababaihang bata. Ginagawa nilang porcelas, korona, bracelet, necklace, anklet at kung ano pa ang maisipan nila ang bulaklak na Santan, ibig sabihin kikay na ang mga batang babae noon. Sa mga lalake naman ginagawa nila itong past-time lalo na pag sawa na silang mag patentero, block 123, chato, tumbang preso at kung anu-ano pang laro na panlalake. Pumipitas sila ng bulaklak na Santan at nagpapaligsahan sila kung sino ang unang makakaubos ng petals ng bulaklak na Santan. Minsan nama'y ginagawa nila itong bangka at nag bo-boat race sa kanal.
Pagod na ang mga bata sa kanilang aktibidades ma pa babae man o lalake kaya kailangan nila ngayon ng refreshment at alam nyo ba kung ano ang kanilang refreshment? it's bulaklak na Santan! Opo at hindi ako nagbibiro. Pumipitas sila ng bulaklak na Santan at hinuhugot ang maliit na stem sa loob ng bulaklak na Santan at kasabay nun ay paglabas rin ng tubig na may halong nectar, ang tamis!, sabi ko dati noong matikman ko ang nectar ng bulaklak ng Santan.
source
picture & s.n.: http://www.pcsd.ph/photo_gallery/flora/santan.htm
Words of Wisdom: "While wishing and hoping makes you a dreamer, acting and doing makes you someone who can turn dreams into reality." - Nan S. Russell
Random Vid: http://www.youtube.com/watch?v=WCqJTZ2c_Sg
Cheezy Line: "Sana CENTRUM ka na lang because, I Want to be Complete."- Jason
Post-Script: Have a Nice Day. God Bless You!
No comments:
Post a Comment