Thursday, January 29, 2009

Crush Kita...

Merong nagtanong kung ano daw gagawin ko kung merong nagsabi sa akin na "crush kita". Sabi ko dun sa nagtanong sa akin, sasabihin ko "ok" yun lang, at tinanong ko dun sa nagtanong kung bakit nya natanong ang ganyang bagay...

Ikaw, kayo, ano gagawin nyo or sasabihin nyo kung sinabihan kayo ng "crush kita"?

Ilang araw na lang at papasok na ang Pebrero, marami na akong nakikitang mga simbolo ng Saint Valentine's Day, katulad ng Puso, Kupido at Christmas Tree (kasi nakalimutang tanggalin noong Three Kings-kuno). Hindi ko alam kung ano meron sa Saint Valentine's Day o bakit binibigyan ng importancia itong araw na ito, malamang bored sila kaya naisipan nilang gumawa ng ganitong araw. Pero tingin ko meron pang ibang dahilan kung bakit mayroong ganitong araw, ano kaya ito?




---------




Song of the Day: SKY CHORD ~Otona
ni Naru Kimi he~ [TV Size Version]



素直な歌が歌えない

飾り付けてしまうから

いつからこんなに楽に自分

守ることを覚えたの?



行かない sky chord

昔ならあったのに yeah yeah

失くした sky chord

誰のせいでもなく 自分



きっと大人になることなんかより

大切なものがあるの

きっとそれを見つけらんないまま

大人になってゆくんだ

ずっとこのままじゃいれないって

分かってるよ

歩き出せ



Sunao na uta ga utaenai

Kazaritsuketeshimau kara

Itsukara konna ni raku ni jibun

Mamoru koto wo oboeta no?



Ikanai sky chord

Mukashi nara atta no ni yeah yeah

Nakushita sky chord

Dare no sei demo naku jibun



Kitto otona ni naru koto nanka yori

Taisetsu na mono ga aru no

Kitto sore wo mitsukerannai mama

Otona ni natteyukunda



Zutto kono mama jya irenai tte

Wakatteru yo

Arukidase



I can't sing a song with a honest lyrics

because I always end up sugar coating the words

When someone as laid-back as me

realize he had something worth protecting?



Don't leave me, Sky Chord,

You would've stayed here back then, yeah yeah...

I've lost you, Sky Chord,

It's not anyone's fault, but...





I know there are things more important to me

than becoming an adult.

But I'll be growing up the whole time

I'm trying to figure out what they are.



You say we can't stay like this forever?

I know.. so let's take that first step.




---------




YM Status of the Day:



natawa ako noong tinanong ko na totoo ito at sabi nya totoo daw iyon



---------



WHY? Answers on Everyday Questions, Episode III



Why is blue for boys and pink for girls?

In ancient times, it was believed that certain colours could combat the evil spirits that lingered over nurseries. Because blue was associated with the heavenly spirits, boys were clothed in that colour, boys then being considered the most valuable resource to parents. Although baby girls did not have a colour associated with them, they were mostly clothed in black. It was only in the Middle Ages when pink became associated with baby girls.



brought to you by:




---------




Random Vid of The Day: Word of the Lourd: Slang








kailangan ba natin ang Slang para umunlad tayo?




---------




pahabol:
Malamang merong karugtong itong blog entry ko na ito :)

Thursday, January 22, 2009

December Curse: Its Over! ... What's Next?

Sa wakas at natapos na ang malamig na Disyembre. Disyembre na puno ng kapighatian at kapaitan, kirot at hapdi sa pusong winasak ng panahon. Pusong nagkadurog-durog at nagkalasog-lasog.



Kamusta na yung mga tinamaan ng Sumpa ng Disyembre (December Curse)?

Bigyan muna natin ng kaunting pahapyaw kung ano itong December Curse?



Ayon sa aking dating entry..

"Eto yung time (December) na maraming naghihiwalay na magkasintahan unexpected or dahil hindi sila nagkaintindihan or naghiwalay sila ng wala lang or nagkasawaan na talaga. Ang resulta, malamig ang pasko"



 Tama na siguro yan wag na nating gatungan, bigyan ng standing ovation at emphasis pa kasi past is past let's move on na ok?



So, ano na nangyari sa mga na naapektuhan nito?

Ayon sa aking Theory ay namumuhay sila ngayon ng mapayapa at walang pinoproblema, basta ang mahalaga sa kanila ay nagagawa na nila ang gusto nila, malamang yung iba ay nag hair make over, nagpapa-spa at kung anu-ano pa, because they want to live to the fullest and iwanan ang nakaraan at masaya sila sa pagiging single ngayong January dahil iniwan na nila ang kanilang wasak na puso noong nakaraang taon at hindi na nila dinala sa panibagong taon.



Tatawagin ko silang mga "Single and Available but Not Interested", ayan na yung official status nila ngayon, hindi big deal sa kanila kung wala silang kasinatahan ngayon at malamang ayaw nilang pagusapan yung topic na iyon pag tinanong mo sila.



Lilipas rin ang buwan ng Enero (tumingin sandali sa kalendaryo), ilang araw na lang at darating ang buwan ng Pebrero at malamang sa buwan na iyan ay makakatagpo sila ng panibagong mamahalin at malamang, marahil pagsapit ng buwan ng Disyembre ay mangyari ulit ang sumpa.

 

History will Repeat Itself

~December Curse: The End~




---------------------------




Song of the Day: Who Wants To Live Forever by Queen



Theres no time for us

Theres no place for us

What is this thing that builds our dreams yet slips away

From us



Who wants to live forever

Who wants to live forever....?



Theres no chance for us

Its all decided for us

This world has only one sweet moment set aside for us



Who wants to live forever

Who wants to live forever?



Who dares to love forever?

When love must die



But touch my tears with your lips

Touch my world with your fingertips

And we can have forever

And we can love forever

Forever is our today

Who wants to live forever

Who wants to live forever?

Forever is our today



Who waits forever anyway?



-------------------------------------------




YM status of the Day:







(dumugo ang ilong) Tagalog na sya pero bakit hindi ko sya ma-gets?



-------------------------------------------




WHY? Answers on Everyday Questions, Episode II



Why does water not calm the tongue after eating hot spicy food?


The spices in most of the hot foods that we eat are oily, and, like your elementary school science teacher taught you, oil and water don't mix. In this case, the water just rolls over the oily spices.

What can you do to calm your aching tongue? Eat bread. The bread will absorb the oily spices. A second solution is to drink milk. Milk contains a substance called "casein" which will bind to the spices and carry them away. Alcohol also dissolves oily spices.



brought to you by:





-----------------------




Random video of the Day: Word Of The Lourd - Bitin Sa Kanin











---------------------





pahabol:

 Ang mga nakasulat sa entry ngayong araw na ito ay pawang opinion ko lang. Bunga yan ng antok, pagka-adik sa Need For Speed: Underground at pakikinig ng classical music. Salamat sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon para dugtungan at wakasan itong entry na ito.

Friday, January 16, 2009

Lady's Choice

Huwebes, January 15 2009



Kagigising ko lang ng maisipan kong huwag munang tumutok sa PC. Dali-dali akong bumaba dahil ako'y naiihi na at nagugutom. Pagkatapos nun ay nakakita ako ng Pan de Sal sa lamesa at Lady's Choice Mayonnaise (Me-yo-neys International, Ma-yo-neis pag Pilipino). Since naubos ko kagabi yung Lady's Choice Sandwich Spread wala ng choice kung hindi i-palaman itong Lady's Choice Mayonnaise.



Binuksan, isinuksok ang kutsara, at ipinahid sa Pan de sal at sabay sinubo... mmmm.. anong sarap ang aking nadarama, bakit ganito kasarap ang mayonnaise? Bigla kong naalala yung catch phrase ng Lady's Choice Sandwich Spread na "Sweet yet Tangy, Creamy yet Chunky" na nakasulat sa likod ng bottle at ayun, tiningnan ko rin yung sa Lady's Choice Mayonnaise at lumaki ang aking mata sa aking nabasa, "Your pleasure in every bite" , no wonder kung bakit ganon ang nadarama ko pag isinasama ko yung mayonnaise sa pagkain ko ng kung anu-ano.



Nagdesisyon akong pumunta sa Puregold sa Monumento (since hindi pa reglar ang aming klase) para

humanap ng mga catch phrase ng Lady's Choice. Ako'y nanlumo at nawalan ng gana kasi pare-parehas na sila ng catch phrase, so, ayun nawala ang aking expectation at tingin ko nagkaroon ako ng sudden depression noong time na yun, kaya kumuha na lang ako mga makakain.



Naghahanap ako sa Grocery ng mga kakaibang paagkain at inumin yung tipong hindi ko pa nalalasahan. Napansin ko itong "Schweppes" isang Tonic Water-kuno at Samurai fish crackers (depress pa rin) at ayun pinapak ko na at pagtungga ko ng "Schweppes" ay parang pinunit ang aking lalamunan dahil siguro hindi sya malamig.



Pagkatapos kong papakin ang Samurai fish cracker at tunggain yung "Schweppes" tonic water, pumunta naman ako sa aking next stop. Um-order ako ng shawarma on rice for only P27 sa Rap-Rap's Shawarma ngunit naubos na daw ang rice nila kaya Shawarma on pita na lang for P35, so ayun inubos ko at hindi pa ako nakuntento, next is Master Siomai. Um-order ako ng Japanese siomai for only P27(4 pieces) at gulaman P8. Pagkatapos kong maubos ang Japanese siomai at gulaman bumili ako ng isang pirasong I-Cool (piso isa) at nagdesisyon ng umuwi.



Pagbaba ko ng jeep ay nagpaihaw ako ng 2 betamax (Tablets of Pig's Blood on Stick - tawag ko dun) at isang Isaw ng baboy at pagkatapos nun ay umuwi na ako sa aking bahay. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Lady's Choice Mayonnaise sa lamesa na parang nakatitig sa akin, medyo naiilang pa ako sa kanya pero hindi ako nagalinlangan na salubungin sya ng mahigpit na hawak na merong pagmamahal. Kumuha ako ng kubyertos at plato para kumain ng aking hapunan isinama ko sa kanin at ulam si Lady's Choice Mayonnaise.... Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang Mayonnaise ko. -Fin-

---





YM Status of the Day: (WARNING: EXPLICIT CONTENT)





Nagmamakaawa sya sa inyo na i-hack nyo lang daw yung account nya sa RF online dahil natutuwa sya, pag tinigil nyo ang pag-hack ay malulungkot sya ~hahahaha XD, wag kang magreact dito para hindi ka mahalata hahahaha





Song Of the Day: Going Under by Evanescence


Now I will tell you what I've done for you
50 thousand tears I've cried
Screaming, deceiving and bleeding for you
And you still won't hear me
Don't want your hand this time I'll save myself
Maybe I'll wake up for once
Not tormented daily defeated by you
Just when I thought I'd reached the bottom
I'm dying again

I'm going under
Drowning in you
I'm falling forever
I've got to break through
I'm going under

Blurring and stirring the truth and the lies
So i don't know what's real and what's not
Always confusing the thoughts in my head
So i can't trust myself anymore
I'm dying again

I'm going under
Drowning in you
I'm falling forever
I've got to break through

So go on and scream
Scream at me I'm so far away
I won't be broken again
I've got to breathe I can't keep going under
I'm dyin again

I'm going under (goin under)
Drowning in you (drowing in you)
I'm falling forever (falling form ever)
I've got to break through
I'm goin under (going under)
Goin under (drowing in you)
I'm going under



Video of the Day: HOW TO UNDRESS IN JUST 8 SECONDS LESS










Tutorial namakakatulong sa inyong araw-araw na pamumuhay. Hindi ako nagbibiro dahil magagamit nyo ito.



Pahabol: hmmmm.. ano ba talaga ang choice ng mga ladies?

Wednesday, January 14, 2009

Star Margarine

bumaba ng kuwarto, kumuha ng Magic Flakes, kinuha yung Lady's Choice Sandwich Spread, pinagpira-piraso ang Magic Flakes, kuha ng kutsara, isinuksok ang kutsara sa Lady's Choice Sandwich Spread at sabay pahid sa isang pirasong Magic Flakes sabay subo habang nakatingin sa mga nagvivideoke sa labas at kasabay ang malamig na hanging amihan na galing ng China, hindi pa nakuntento at sinimot ang Lady's Choice Sandwich Spread.

Ewan ko ba kung bakit ako naadik sa pagpapak ng Lady's Choice Sandwich Spread, simula noong pasko hanggang sa maubos ko ngayon. Anywhatever, meron pa akong isang kinahihiligan noong bata ako at hanggang ngayon mahilig pa rin ako basta pag meron, pag wala eh o.k. lang

Kailangan pa ba ng Introduction? ok..



details? alright...

Star Margarine is a non-refrigerated, no cholesterol table spread made from a special blend of refined oils. It is fortified with more nutrients essential for growth bearing the “Sangkap Pinoy” seal. Good source of Vitamins A, B1, B2, B6 ,B12, D , E , folic acid, niacin and iodine for kids! Batang Matangkad, Batang STAR!
APPLICATION Use as bread spread, for rice topping and ideal also for cooking and baking.


Sa totoo lang noong bata ako gusto kong tumangkad paglaki ko at sa kabutihang palad hindi ako lumaki, bagkus tumanda, tsh! Hindi yata effective ang Star Margarine na pampatangkad pero Hey, Hey, Hey tumalino naman ako HA! Anong say mo?! Hindi bale ng average ang height basta matalino naman, kzhhahaha! Well sabi nga ng Star Margarine sa commercial eh fortified with Vitamin A. Dati ginagawa kong alternative sa cooking oil ang Star Margarine at ang masasabi ko lang ay mas healthy at mas malasa sya kay sa ordinary cooking oil. And don't you know na 75 years na ang Star Margarine? it means since 1933 pa pala ito, astig. Marahil, balang araw pag naging ama na ako ng mga lahi (papalitan ko na si Abraham, tshahahaha) nandiyan pa rin si Star Margarine.

note para sayo: kung mapapansin nyo merong mga "tsh!", "kzh!" well, mga bagong salita yan, try nyong sabihin.

note para sa akin: kailangan ko na sigurong magbalik loob kay Star Margarine. Star Margarine, i need your magical powers ngayong semester.

catch phrase of the day:
"Sweet yet Tangy, Creamy yet Chunky" - Lady's Choice Sandwich Spread ~ Rawr!!!!!XD

video of the day: FREE MEAL AT MCDONALD'S


since pinaguusapan ang commercial ng McDonald's ay naisipan kong i-share itong video ni Remi Gaillard. Naastigan ako sa mga video ni Remi Gaillard. Well enjoy the drive thru free meal!

thanks:
Magnolia para sa info about Star Margarine at http://www.callueng.com/ para sa pic ng Star Margarine (sana wag mong tanggalin or ilipat yung picture)

P.S.:
hmm.... what now?....What? buhay pa ang New Kids On The Block?

Wednesday, January 7, 2009

Santan


scientific name: Clerodendrum villosum Bl.

Maraming pakinabang ang mga bulaklak na Santan sa mga bata noon, sinasama nila ang bulaklak na Santan sa kanilang aktibidades lalo na ng mga kababaihang bata. Ginagawa nilang porcelas, korona, bracelet, necklace, anklet at kung ano pa ang maisipan nila ang bulaklak na Santan, ibig sabihin kikay na ang mga batang babae noon. Sa mga lalake naman ginagawa nila itong past-time lalo na pag sawa na silang mag patentero, block 123, chato, tumbang preso at kung anu-ano pang laro na panlalake. Pumipitas sila ng bulaklak na Santan at nagpapaligsahan sila kung sino ang unang makakaubos ng petals ng bulaklak na Santan. Minsan nama'y ginagawa nila itong bangka at nag bo-boat race sa kanal.

Pagod na ang mga bata sa kanilang aktibidades ma pa babae man o lalake kaya kailangan nila ngayon ng refreshment at alam nyo ba kung ano ang kanilang refreshment? it's bulaklak na Santan! Opo at hindi ako nagbibiro. Pumipitas sila ng bulaklak na Santan at hinuhugot ang maliit na stem sa loob ng bulaklak na Santan at kasabay nun ay paglabas rin ng tubig na may halong nectar, ang tamis!, sabi ko dati noong matikman ko ang nectar ng bulaklak ng Santan.
source
picture & s.n.: http://www.pcsd.ph/photo_gallery/flora/santan.htm



Words of Wisdom: "While wishing and hoping makes you a dreamer, acting and doing makes you someone who can turn dreams into reality." - Nan S. Russell

Random Vid: http://www.youtube.com/watch?v=WCqJTZ2c_Sg

Cheezy Line: "Sana CENTRUM ka na lang because, I Want to be Complete."- Jason

Post-Script: Have a Nice Day. God Bless You!

Saturday, January 3, 2009

Why? - Answers on everyday questions: Episode I


Why does wet fabric appear darker?
When fabric gets wet, light coming towards it refracts within the water, dispersing the light. In addition, the surface of the water causes incoherent light scattering. The combination of these two effects causes less light to reflect to your eyes and makes the wet fabric appear darker.



brought to you by: