Monday, December 15, 2008

disyemre a nueve pa lang ngayon.

sobrang bilis ng araw at yung mga bata ang bibilis rin, hindi na makapaghintay dahil nangangaroling agad samantalang disyemre a nueve pa lang ngayon.



alam nyo ba o napapansin ko tuwing sasapit ang simbang gabi ay nagsisimula ang pangangaroling ng mga bata tuwing gabi?  at matatapos ang karoling  sa december 24 11:59pm at kinabukasan hindi na karoling tawag kundi "namamasko" kahit hindi mo naman kamag anak o inaanak bigla nalang kakatok sa gate o bahay nyo sasabihin "namamasko po!" at naka todo porma pa tapos nag aalangan ka pang bigyan dahil mas mukha pang merong pera kay sa sayo.



naalala ko yung dati na malaki pa ang halaga ng piso. dati pag nangaroling kami tuwang tuwa na kami pag binigyan ng tig 25 cents dahil makakabili na kami ng isang pirasong chiklet na kulay pula na bilog. ngayon pag binigyan mo yung batang nangangaroling ng piso sasabihan ka pang barat samantalang sila na nga yung binigyan mo dahil nakakaistorbo sila dahil sa ingay at hindi pa minsan nakuntento babalik pa sila mayamaya para mangaroling hahaha, halos ganyan din ako dati pag nangaroling pag alam kong namimigay yung pinagkakarolingan namin ay bumabalik kami.







"sana po bumilis net connection ko kasi ipo-post ko pa po ito sa multiply"

No comments: